Estudyante bistado na nagbebenta ng iligal na droga, arestado

𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 Arestado ang estudyante na isang street level drug personality matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng Lagangilang Municipal Police Station sa Barangay Lagben, Lagangilang, Abra.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang naarestong estudyante, 21-anyos matapos bentahan ng 0.5 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3, 400 ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Sa isinagawang operasyon naman ng Bakun Municipal Police Station, Benguet PPO at iba pang law enforcement agencies ay sinira ang 600 na piraso ng fully grown marijuana sa communal forest ng Sitio Lebagen, Barangay Kayapa, Bakun, Benguet.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Ang mga sinirang tanim na marijuana ay nagkakahalaga ng P120, 000 habang nagsasagawa pa ng follow-up operation ang awtoridad upang matukoy ang ibang plantation sites at mahuli ang mga nagtatanim.