Kamara – tiniyak ang proteksyon sa mga drug war victims matapos mabistong may pulis na nagpi-picture sa kanila

Wala raw ideya si House Committee on Human Rights Chair Rep. Bienvenido Abante Jr. sa dahilan kung bakit kinuhanan ng picture ng ilang mga pulis ang mga biktima ng war on drugs na dumalo sa pagdinig kahapon.

Kasabay niyan, sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Abante, sinabi nitong tinitiyak naman nila ang proteksyon ng naturang mga biktima.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Samantala, napag-alaman din daw sa hearing ang tungkol sa presyuhan sa napapatay na mga biktima.

Binigyang-diin ng mambabatas ang pagkakaroon umano ng ‘price tag’ sa mga pinatay na indibidwal.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ani Abante, parang naghuhukay sa minahan ang ginagawa nilang imbestigasyon sa dami at lalim ng mga nauungkat at nabubunyag.

Kahapon, napag-alaman sa pagdinig na umabot sa mahigit 20,000 na tao ang napatay sa war on drugs campaign sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.