Nabuaeño, Top 1 bilang Philippine Navy Marine Officer

CAMARINES SUR- Muling pinatunayan ng isang Nabuaeño ang pagiging oragon ng mga Bicolano nang makapagtapos bilang Top 1 sa Philippine Navy Marine Officer Candidate School sa San Antonio, Zambales.

Sa 83 nakapagtapos, siyam rito ay mga Bicolano at umangat sa kanila si 2LT Jemel Dayupay na tubong Nabua, Camarines Sur. Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Dayupay kung gaano kahirap ang pinagdaanan habang tinatapos ang pag-aaral bilang marino. Isa sa mga pinanghawakan ni Dayupay ang pagiging matiyaga at kagustuhan na matapos ang kurso kahit na malayo sa pamilya. Bilang dati nang non-officer ng Philippine Navy Marine, nagamit rin niya ang mga natutuunan para mapadali ang pakikisama sa mga kabaro.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan
Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kabilang din sa mga Bicolanong nagtapos sa officership sina ENS Wayne Harlie Aballa na galing rin sa Nabua, Camarines Sur, 2LT Newton Niño Nallatan ng Pili at 2LT Lucky Leenart Ubalde ng Camaligan, Camarines Sur. May limang Bicolano rin ang galing sa Albay.