San Juan PNP, sinampahan na ng reklamo ang lalaking nagsaboy ng muriatic acid sa nambasa sa kanya noong “Wattah Wattah Festival”

Sinampahan na ng San Juan City Police ng reklamong physical injury ang lalaki na kanilang naaresto sa kalagitnaan ng “Wattah Wattah Festival” noong June 24 matapos nitong sabuyan ng muriatic acid ang lalaking nambuhos sa kanya.

Ayon kay sa hepe ng San Juan City Police na si PCol. Francis Alan Reglos, ang lalaki ay dumaan sa Aurora Blvd at nabuhusan ng tubig kaya napikon at gumanti.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Sinabuyan nito ng muriatic ang lalaking nambasa sa kanya at tinamaan sa mukha kaya agad na nagpasaklolo sa mga pulis.

Maliban dito ay may lima pang reklamong natanggap ang kapulisan noong kasagsagan ng Pista pero nagkasundo naman kinalaunan ang complainant at kanilang inireklamo ng pambababasa.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang pamahalaang lungsod ng San Juan sa nangyaring kaguluhan noong kasagsagan ng kapistahan.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Hinihikayat nila ang may mga pruweba ng paglabag sa batas noong June 24, na magsumite ng ebidensyang videos o photos sa City Tourism and Cultural Affairs Office ng Lungsod upang ito ay maproseso at malaman ang pagkakakilanlan ng mga lumabag.

Ang mga ebidensya namang ito ay ipapasa sa San Juan City Police Station para sa karagdagang imbestigasyon at legal na aksyon.