San Juan LGU, humingi ng tawad sa mga naabala ng Wattah! Wattah! Festival

Humingi ng paumanhin ang City Tourism and Cultural Affairs Office ng San Juan City  sa mga naabala ng Wattah! Wattah! Festival o Feast of St. John the Baptist, matapos kumalat sa social media ang mga video na nagpapakita ng mga residente na binabasa ang ilang motoristang dumadaan sa kalsada.

Viral kasi ngayon ang isang videosa social media, na nagpapakita ng pagbasa sa mga naka-angkas sa motorsiklo at mga pasahero ng jeep.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon sa City Tourism and Cultural Affairs Office, sineseryoso nila ang mga ganitong insidente dahil paglabag ito sa ordinansa ng lungsod.

Nangangalap na sila ngayon ng ebidensya sa nasabing kaganapan at ang mga isinumiteng video ay sinusuri na upang matukoy ang mga lumabag sa City Ordinance No. 51, series of 2018, at iba pang umiiral na batas.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Hinikayat din ng San Juan LGU ang mga inidibidwal na naabala na isumite ang mga ebidensyang videos o photos sa City Tourism and Cultural Affairs Office ng lungsod upang ito ay maproseso at malaman ang pagkakakilanlan ng mga lumabag.