DILG, pinaiimbestigahan ang isang private event sa Pasig na may mga SWAT

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police hinggil sa umano’y presensya ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics sa Pasig City.

Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Department of Interior and Local Government  Secretary Benjamin Abalos Jr.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Mababatid na sinabi ni Abalos na mayroong nakarating sa kanyang impormasyon kaugnay sa presensya ng SWAT team mula sa Batangas sa isang soft launching ng isang networking company.

Read More:  Davao Region outpaces national economic growth at 5.1%

Ayon kay Abalos batay sa mga litrato ay nakauniporme pa ang mga SWAT at bitbit pa nila ang kanilang mga baril.

Hindi din aniya malinaw kung anong klaseng event ito at kung bakit kinakailangan ng presensya ng SWAT sa lugar.