Lalaki, patay matapos malunod sa ilog sa Imus, Cavite

Patay matapos malunod sa ilog ang isang lalaki sa Imus, Cavite.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may lalaking nalunod sa Imus, River.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ayon sa imbestigasyon, ang biktimang si Hakeem kadeer kasama ang kanyang mga kaibigan ay nagtungo sa ilog para maligo at maglaro.

Habang sila ay naglalaro, napunta sa malalim na parte ng ilog ang bola at sinubukan itong kunin ng biktima ngunit siya ay nalunod.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Agad namang humingi ng tulong ang kanyang mga kasamahan.

Isinugod pa sa ospital ang biktima. (with reports from CHA ARMADA – Brigada News FM Manila)