Mga opisyal ng Chinese embassy sa Pilipinas, dapat palitan ng matino kausap – maritime expert

Naniniwala ang isang maritime expert na dapat nang palitan ang mga opisyal ng Chinese embassy na nasa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Jay Batongbacal, ang Director ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea at maritime expert, maituturing na diplomatic way kung papalitan ang mga opisyal ng China sa bansa.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Anya, nakakadagdag lang sila sa hindi pagkaka unawaan ng Pilipinas at China.

May mga insidente rin anyang ginawa ang China Embassy na hindi katanggap-tanggap, tulad ng pagbabanta sa mga OFW na nasa Taiwan, pag deny na tinutukan ng laser ang Philippine Coast Guard, pag agaw sa debris ng kanilang rocket, at ang pag uutos sa Pilipinas kung ano ang dapat gawin na para anyang itinuturi tayong hindi isang malayang bansa.

Read More:  Atin Ito Coalition: declare July 12 as West Philippine Sea Victory Day

Gayundin ang ilegal na pagsisiwalat ng mga sinasabing recording ng secret communication at confidential discussion.

Kaya makakatulong daw na maplantsa ang gusot sa pagitan ng China at Pilipinas kung papalitan ng matinong kausap ang mga opisyal ng Chinese embassy.