Pangulong Marcos tiwalang magiging mapayapa ang 2025 BARMM elections

Umaasa si Pangulong Bongbong Marcos na magiging successfull ang 2025 Bangsamoro Parliament elections.

Sa BARMM Mayors Conference sa Diamond Hotel sa Maynila kahapon, inihayag ng Pangulo na kampante siyang magiging matagumpay ang eleksyon, kaakibat ng pagiging payapa, accountable, at transparent.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sinabi pa ng Pangulo na hangad nila ang eleksyong hindi magulo, maliwanag ang resulta, at walang problema.

Kaugnay dito, hiniling ng Presidente ang tulong ng local BARMM executives para sa maayos na halalan sa rehiyon.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Idaraos ang kauna-unahang eleksyon sa BARMM sa Mayo a dose, 2025.

Samantala, hinikayat din ni Pangulong Marcos ang stakeholders sa Mindanao na samantalahin ang oportunidad sa pagpapa-unlad ng rehiyon sa pamamagitan ng pagkakaisa at pakikipag-dayalogo.