P13.6B halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng PNP sa loob ng kalahating taong anti-illegal drugs operation

Umaabot na sa 13.6 bilyon pisong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police sa kanilang pinaigting na anti-illegal drugs operation sa loob ng kalahating taon ngayong 2024.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, iniulat ni Interior Sec. Benhur Abalos Jr. na mula January 1 hanggang June 21 , ang halaga ng nakumpiskang iligal na droga ay bunsod ng isinagawang 23, 515 operations ng PNP.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

1,779 ,736 grams ng nakumpiska ay shabu, 3,599 , 042 grams ay marijuana, 4,951, 655 grams ng marijuana plants, 27,620 grams ang cocaine at 4,177 grams ay ecstacy.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa naturang operasyon, 28,804 na mga suspek ang naaresto at nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.