Pagsasaayos ng kalsada sa Naujan, Or. Min., ibinida ng DPWH MIMAROPA

Batangas City – Ibinida ng Department of Public Works and Highways o DPWH MIMAROPA ang katatapos lang nilang proyekto na pagsasaayos isang kalsada sa Sitio II, Barangay Aurora, Naujan, Oriental Mindoro.

Layon ng proyektong ito na masolusyonan ang problema ng mga residente, na pahirapang makadaan sa naturang kalsada dulot ng makapal na putik, kapag umuulan.

Dahil sa bagong gawang kalsada, mas madali na sa mga residente ang pagbyahe ng kanilang mga produkto patungong merkado sa maikling oras lamang.

Samantala, nabatid na ang naturang proyekto ay mayroong haba na 415.00-l.m at 0.50-meter ASBC shoulder.