Mga pulis, pinaalalahan sa tuwid na landas

CAMARINES SUR- Mahigit isang milyong piso na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska sa isang  Bicolanong Police Corporal na assigned sa Quezon City sa drug bust operation sa Libmanan, Camarines Sur madaling araw nitong Lunes, Hunyo 24, 2024.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaugnay nito, sa naging panayam ng Brigada News FM Naga pinaalalahan ni PEMS Joel Bencolado, tagapagsalita ng PNP Libmanan ang mga kasamahan huwag sasayangin ang pangalan at uniporme dahil sa pagkakasangkot sa iligal na gawain.

Samantala sa Naga City, sinabi  naman ni PCOL. Erwin Rebellon, mahigpit ang kanilang monitoring sa mga kasamahan. Pasalamat ito dahil negatibo ang lahat ng mga personahe ng Naga City Police Office sa katatapos pa lamang na drug testing. Gayunpaman, nagbabala rin ito na tatamaan ng kaukulang disiplina ang simunang masasangkot sa iligal na droga.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop