VP Duterte, tatapusin pa rin ang curriculum review kahit nag-resign

Itutuloy pa rin ni Vice President Sara Duterte ang mga ilan niyang gawain sa Department of Education (DepEd) sa kabila ng pagbibitaw niya bilang kalihim ng ahensya.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Idinagdag pa nito na patuloy na sinisikap ng DepEd na makahanap ng bagong kalihim na maaaring ipagpatuloy ang kanyang mga maiiwang gawain.

Kailangan ding tapusin ng ahensya ang pagrepaso sa mga kurikulum ng Grades 11 at 12 bago siya tuluyang umalis sa pwesto.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Maalalang nagbigay si VP Duterte ng one-month notice sa kanyang resignation, at magkakabisa ito sa Hulyo 19.