BI, iniimbestigahan ang isang babaeng Chinese national na nakapasok sa bansa kahit walang record

Iniimbestigahan ng Bureau of Immigration ang kaso ng isang babaeng Chinese National na nakapasok sa bansa kahit walang record.

Kinilala ang naturang babae na si Zhang Zimo 23-anyos na naharang sa NAIA Terminal 3 nitong June 15 na pantungo sana sa Guangzhou China.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Hindi binigyan ng departure clearance ang babae matapos makitang walang arrival stamp mula sa Immigration ang kaniyang passport.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Wala ring nakitang record sa pagdating sa bansa ni Zhang sa datos ng Travel Control System.

Kasalukuyan itong nakakulong sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa habang inaayos ang deportation proceedings.