Kabayanihan ng mga tauhan ng Navy na nagsagawa ng RORE mission sa Ayungin shoal, pinuri ng grupo ng mga retiradong heneral

Pinuri ng grupo ng mga retiradong heneral ang kabayanihan at propesyunalismo ng mga tauhan ng Philippine Navy na nagsagawa ng rotation and re-provisioning mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal noong June 17.

Sa isang pahayag na pirmado ni Retired AFP Vice Admiral Emilio Marayag Jr., binigyan-diin nila na sa kabila ng mapanganib na aksyon ng China sa West Philippine Sea, nagpakita ng pag-iingat ang mga sundalo upang maisagawa ang kanilang misyon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon sa AGFO, ang aksyon ng mga tauhan ng China Coast Guard at China Maritime Militia ay malinaw na paglabag sa United Nations protocols , isang uri ng pamimirata at hakbang na nagpapalala ng tensyon sa WPS.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Buong suporta rin ang ipinahayag ng AFGO sa paninindigan ng pamahalan na igiit ang ating karapatan sa soberyenya sa WPS at hinikayat ang Armed Forces of the Philippines na protektahan at alagaan ang ating mga sundalo.