Chinese military uniforms na nadiskubre sa loob ng Lucky South 99, pinaniniwalaang ‘authentic’ ng isang senador

‘Di pambata ito, pangmatanda ito”

Ganyan kung ilarawan ni Senador Win Gatchalian ang mga natuklasang Chinese military uniforms sa loob ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Bagamat ongoing pa ang imbestigasyon hinggil dito ay tiwala umano ang senador na authentic ang mga nakitang uniform.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Alinsunod nito, maari umanong dala-dala ito ng mga operators at posibleng gamit din ito ng mga indibidwal na nagsasagawa ng torture at detain sa nasabing Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub.

Anya, hindi malayong ganito ang naging senaryo dahil mayroon din umanong mga hindi maayos na pulis mula sa China.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala, iminungkahi rin ng senador ang pagsuspinde kay Porac Mayor Jaime Capil dahil sa pagiging pabaya nito hinggil sa pinakamalaking POGO hub sa bansa.

Maalala, una ng sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng ginamit lang bilang props ang mga nasabing uniform.