Anti dengue fogging, tuwing may outbreak lamang ginagawa – MHO Pili

CAMARINES SUR – Hindi kailangang masobrahan ang pagsagawa ng anti-dengue fogging sa isang lugar at dapat na ginagawa ito tuwing may outbreak lamang upang hindi naman maapektuhan ang kalusugan ng mga tao, maging ng kapaligiran dahil sa iba’t ibang kemikal mula rito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Rafael Salles, Municipal Health Officer ng Pili, Camarines Sur, sinabi nitong marami pang paraan upang malabanan ang pagkalat ng dengue sa isang lugar at hindi lang ang pagsasagawa ng anti-dengue fogging ang solusyon dito. Katunayan, ang bawat barangay sa nasabing bayan, nagkakaroon ng mga nakatalagang araw kung kailan sila magsasagawa ng fogging kasabay ang pagpapanatili ng kalinisan sa lugar, patuloy na pagbibigay ng kaalaman at paalala sa publiko kung paano mababawasan at maiiwasan ang pagdami sa kaso ng dengue.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte
Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Matatandaan na ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, nakapagtala ang capital town ng 13 kaso ng dengue mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.