DMW, tiniyak ang tulong sa Pilipinong namatay sa Hajj Pilgrimage ngayong taon

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang assistance sa pamilya ng isang Pinoy na namatay sa Hajj Pilgrimage ngayong taon.

Ito ay mataposmakumpirma ang pagkasawi ng naturang OFW noong June 16 dahil sa heatstroke.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon sa DMW, sasagutin nila ang anumang bayarin sa opistal, maging ang pagbibigay ng iba pang tulong.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. for Migrant Worker Affairs Eduardo de Vega, ang naturang Pilipina ay mula sa Riyadh.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sa kabuoan, mayroon umanong humigit-kumulang 1,500 Filipinos ang nakilahok sa Pilgrimage ngayong taon.