Senate Committee on Accounts – tiniyak na magiging transparent sila sa publiko hinggil sa itinatayong New Senate Building

Ibinahagi ni Senate Committee on Accounts, Chairperson, Senador Alan Cayetano na nabigyan na niya ng karagdagang instruksyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa itinatayong New Senate Building sa Taguig City.

Kung saan, isa umano sa instruksyon niya rito ang paggawa ng timeline para sa mas malinaw na project insights.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Anya, sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng kanyang komite ang publiko at media ng timeline, inventory at table of contents tungkol dito.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Samantala, tiniyak ni Cayetano na ang lahat ng katanungan ay masasagot kasunod ng factual at independent review process na kanilang isinasagawa.

Maliban pa roon, ginarantisa naman niyang magkakaroon siya ng face-to-face briefing and question-and-answer para rito.