34 million inviduals, inaasahang makikinabang sa 29/kilo na bigas

Magsisimula na sa susunod na buwan o Hulyo ang pagbebenta ng 29 pesos na kada kilo ng bigas sa ilang piling mga KADIWA stores sa Metro Manila at mga ka-partner na LGU.

Ayon kay Department of Agriculture Asec. Arnel de Mesa, inaasahang nasa 6.9 million households o 34 million individuals ang makikinabang sa Bigas 29.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Prayoridad na maibenta ito sa mga nasa vulnerable sectors, kasama ang mga miyembro ng government’s conditional cash transfer program, mga senior citizen, PWDs, at mga solo parent.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Tiniyak din ni de Mesa na magandang klase ng bigas ang ibebenta sa kabila na aging stock na ito dahil galing anya ito sa locally-procured na palay.