Barong na susuotin ng mga Pinoy athletes sa Olympics – pinasilip na

Ipinasilip ng Filipino fashion designer na si Francis Libiran kaniyang nilikhang barong na susuotin ng Team Philippines sa Paris Olympics.

Aniya – tatawagin niya ito bilang ‘Sinag’.

Ang kahulugan nito ay mula sa ‘Sinag ng Araw,’ na sumisimbolo sa pag-asa at optimismo.

Sumasalamin daw ito sa diwa at pagmamalaki bilang isang Pilipino.

Hango ang disenyo ng barong mula sa mga kulay ng mga watawat ng Pilipinas. (INTERN – Jaime C & Rauvic C)