Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 ang inagurasyon ng proyektong pangkabuhayan sa apat na Sustainable Livelihood Program Associations o SLPA.
Pinangunahan ni Regional Director Lucia Suyu-Alan ang aktibidad katuwang ang mga kawani ng Local na Pamahalaan, mga miyembro ng naturang asosasyon at iba pang partner-agencies.
Kabuoang P1, 200, 000 ang natanggap na capital ng apat na asosasyon na kinabibilangan ng Alibago Magalalag United SLPA, Barangay Dos SLPA, Kapatiran SLPA at La Familia SLPA.
Tatlo sa naturang asosasyon ang nagtayo ng negosyong mini-mart habang ang isa naman ay retail store ng bigas, itlog at mga agricultural supplies