Inspection sa mga CCTV sa commercial establishments papaigtingin sa Naga

NAGA CITY –Nagkakaroon na naman ng mga pagnanakaw at pagsalisi sa mga commercial establishment sa Naga City kahit na umaga o tanghali batay sa naitatala ng Naga City Police Office, pinakahuli ay iyong sa Panganiban Drive na ang biktima ay isang saleslady, ang lugar ay nasa hurisdiksyon ng Police Station -2 na pinamumunuan ni PMaj. Juvy Llunar.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Llunar, sinabi nitong malawak ang kanilang area of responsibility dahil sakop pa nila ang Almeda Highway at central business district pa ang lugar nila kaya regular silang nagkakaroon ng pag inspection sa mga gusali at mga opisina para tingnan ang mga CCTV camera, kung gumagana pa o hindi na.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon sa kanya, napakahalaga ng CCTV camera sa kanilang pag iimbestiga sa anumang krimen, kaya dapat na gumagana ang mga ito para  madaling makilala ang mga magnanakaw at iba pang masasamang loob na nasa paligid lamang at naghihintay ng mabibiktima.