Batangas City – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang babae matapos barilin ng kaniyang kasintahan sa loob ng tindahan sa Barangay Maguihan, New Public Market, Lemery, Batangas.
Sa panayam ng Brigada Batangas kay PLTCOL. Ronie Siriban ang hepe ng Lemery Police Station, sinabi niya na naganap ang insidente bandang alas 10:00 ng umaga kahapon.
Nasa loob ng tinadahan ang biktima nang barilin ito ng suspek at pagkatapos ng pamamaril ay binarily rin nito ang sarili.
Aniya isa sa tinitingnan nilang motibo ay nagkaroon ng alitan ang dalawa dahil gusto nang makipaghiwalay ng biktima sa suspek ngunit hindi ito pumayag.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naganap na insidente.