Lalaki, sinaksak matapos gamitin ang motor ng kainuman nang hindi nagpapaalam

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin sa tiyan ng kanyang kainuman sa Barangay Binahaan, Pagbilao, Quezon nitong Martes, Hunyo 18.

Ayon sa report, nagalit umano ang suspek matapos gamitin ng biktima ang kanyang motor nang hindi nagpapaalam kung kaya sinaksak niya ito sa tiyan.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Nagtamo ng matinding saksak ang biktima kung kaya isinugod ito sa pagamutan para malapatan ng lunas habang tumakas naman ang suspek dala ang patalim na ginamit nito.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa aksidente.