Pagkamatay ng kasambahay na nahulog sa isang warehouse sa Lucena City, aksidente umano ayon sa mga awtoridad

Aksidente umano at walang naganap na foul play sa pagkamatay ng isang kasambahay sa Lucena City ayon sa panayam ng Brigada News FM Lucena sa imbestigador na humawak ng nasabing kaso.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon umano sa imbestigasyon, hindi muna pinayagan ng may-ari ng warehouse na umalis ang biktima dahil sa hinihintay pa ang kapalitan nito na sinang-ayunan naman umano ng kasambahay, kung kaya’t nagulat nalang umano ang mga ito sa naganap na aksidente.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Bagama’t lumabas sa naunang report na tumakas ang biktima, wala naman umanong naganap na foul play sa nangyari dahil ayon sa imbestigasyon ay dadaan lamang sana sa ikalimang palapag ng gusali ang biktima dala ang mga gamit nito nang aksidenteng mahulog sa fiber glass ceiling ng warehouse.