Darren Espanto, wala munang balak makipag relasyon

Ibinunyag ng singer-actor na si Darren Espanto na hindi siya naghahanap ng anumang romantikong relasyon sa ngayon.

Dumating ito matapos ang kanyang paglalahad ng nagtapos nilang relasyon ni Cassy Legaspi.

Sa ngayon, mas gusto niyang munang mag-focus sa kanyang career kaysa humanap ng love life dahil aniya, hindi niya ito priority.

Read More:  Comedian Ate Gay dies at 55 after battle with cancer

Nilinaw rin ni Darren na hindi siya na-friend zone ni Cassy at wala rin siyang sama ng loob dito at sa kanyang pamilya.

Read More:  Angelina Jolie to visit Manila as featured speaker at ASEAN Summit

Hindi man tumitingin sa bagong relasyon, nilinaw naman ng singer-actor na kaibigan pa rin niya ang mga dating niya naging karelasyon dahil mas pinapairal niya sa kanyang sarili ang “maturity” at nabuo nitong “friendship” sa kanyang mga ex. (Brigada News Intern – Teresa Arzobal)