VP Sara, nagbitiw na bilang myembro ng Gabinete ni Pangulong Marcos ngayong hapon

Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na personal na tumungo sa Palasyo si Vice President Sara Duterte kaninang pasado alas dos ng hapon para pormal na isumite ang kanyang resignation bilang myembro ng Gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa press briefing ni VP Sara ngayong hapon, nagbitiw na rin ito bilang DepEd Secretary at Vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Epektibo ang kanyang resignation sa July 19, 2024.

Tumanggi naman ang Pangalawang Pangulo na magbigay ng dahilan sa kanyang pag bitiw.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Patuloy naman itong magsisilbi bilang Bise Presidente ng bansa.

Samantala, tinanggap naman ng Presidente ang resignation ni VP Sara.

Sa huli, sinabi ni Duterte na bagamat hindi na siya ang tatayong kalihim ng edukasyon, ipagpapatuloy pa rin niya ang dekalidad na edukasyong nararapat sa mga Pilipino.