NTC, dapat panagutin sa naging pagkukulang nito sa pagpapatupad ng SIM Registration Act – Senador

Ipinunto ni Senadora Grace Poe na mahalaga ang pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng gobyerno at sektor maging ng National Telecommunications Commission (NTC) sa pagpapatupad ng Sim Registration Act upang mapuksa ang anumang text scams.

Alinsunod nito, bilang isa sa mga nagtulak ng nasabing batas sa Senado ay ikinalulungkot umano ni Poe ang tila pagiging ‘new normal’ na ng text scams at scams sa bansa sa kabila nito.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Kaugnay nito, marapat lang umanong panagutin ang NTC sa nagiging pagkukulang nito sa pagpapatupad ng kanilang itinulak na batas na siyang lalaban sana sa scamming at iba pang krimen.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Samantala, binigyang-diin naman niyang dapat maging mas proaktibo ang NTC kumpara sa scammers dahil patuloy pa ring napaparalisa ang sistema ng bansa dahil dito.