Team USA bumawi sa ikatlong exhibition game vs Argentina, 108-80

Bumawi ang team USA sa ikatlong exhibition game nito bago ang Tokyo Olympics.

Tinambakan ng USA ang Argentina sa score na 108-80 para makabangon mula sa dalawang magkakasunod na talo mula sa koponan ng Nigeria at Australia.

Read More:  NLEX sweeps Phoenix, advances to PBA Governors’ Cup semifinals

Nanguna sa panalo sina Kevin Durant at Bradly Beal na kapwa pumuntos ng tig-17.

Hindi naman nakapaglaro si Jason Tatum dahil sa pamamaga ng tuhod.

Read More:  NLEX one win away from semifinals after beating Phoenix in Game 2 of PBA Governors’ Cup

Samantala sa panig Argentina nanguna sa scoring si former NBA veteran Luis Scola na humakot ng 16 points.

Tuloy-tuloy naman ang gagawing tune-up game ng team USA ilang araw bago ang Tokyo Olympics.