Mas marami pang mga iligal na bagay – narekober sa Porac POGO hub

Kung may mga bagay daw na higit na ikinabahala si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Undersecretary Gilbert Cruz sa kanilang paggalugad sa POGO hub sa Porac, Pampanga – ito ay ang mga cloning devices.

Ayon kay Cruz, bukod kasi sa mga nadiskubreng bagay na pang-torture, nakakita rin sila ng mga cloning device ng SIM card at pang-text blast sa naturang pasilidad.

Read More:  Palace defends Marcos’ bucket advice for El Niño preparation

Isang halimbawa aniya ng ginagawa rito ay ang loan scam.

Maaari raw kasi na ang mga taong sakop ng five-kilometer radius, ano mang number nito, ay makatatanggap ng text blast at ma-scam.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Mababatid na may na-rescue ang ahensya na apat na torture victims.

Maliban dito, may nakuha rin ang PAOCC na mga boss na posibleng kasamang sa pangto-torture.

Ani Cruz, maghahain sila ng kaso laban sa mga sangkot sa pagpapatakbo sa POGO.