Isang liham na may pangalan ni Atty. Harry Roque – natagpuan sa ni-raid na POGO hub sa Porac

Nanindigan si PAOCC spokesperson Winston John Casio na ang natagpuang liham na may pangalan ni dating Presidential spokesperson Harry Roque sa kanilang paggalugad sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga ay ‘not of suspicious or criminal nature.”

Natagpuan din umano ng PAOCC ang isang affidavit of support na nagsasabing si Roque ang magpopondo sa travel cost ng kanyang noo’y executive assistant.

Mababatid na nagsilbi si Roque bilang abogado ng Whirlwind Corporation na isang kumpanyang nag-lease ng property sa Lucky South 99.

Paliwanag ni Casio, kung kiliyente ng dating tagapagsalita ang Whirlwind Corporation na isang korporasyong hindi nagpapakita ng anumang suspicious activity, walang umano itong problema.

Depensa naman ni Roque, ang mga natagpuang dokumento ay mga appointment paper lang ng dating staffer.

Hindi umano ito related sa POGO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *