FL Liza Araneta Marcos – nagpaliwanag na kaugnay sa viral na wine incident sa Malacañang

Biruan lang daw ang nag-viral na wine glass video ni First Lady Liza Araneta Marcos at Senate President Chiz Escudero sa nakaraang Vin D’ Honneur sa Palasyo ng Malacañang.

Sa isang pahayag, sinabi ng Unang Ginang na biniro sya ni Senate President Escudero na may energy pa rin kahit halos isang oras silang nakatayo ni Pangulong Bongbong Marcos habang binabati ang mga dumalo sa naturang event.

Read More:  Sara Duterte maintains trust rating lead over Marcos

Na sinagot naman daw nya ng “you bet” at kinuha ang wine glass ni Escudero at iniinom, saka ibinalik sa senador at pabirong sinabing hindi naman malamig.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Kilala na raw nya si SP Escudero mula pa noong kanilang law days, kaya kahit isipin man daw ng iba na ginawa nya itong waiter ay sa kanilang dalawa na lamang ito.

Una nang sinabi ng Senate President na nagpaka gentleman lang sya sa naturang viral video.