Hindi na nakaka-alala at nahihirapan na sa edad 81 ang matagal nang nawawala na si Romeo Telanas.
Si tatay Romeo ay residente ng Bayan ng Pontevedra, probinsiya ng Negros Occidental, ngunit napadpad na sa Dumaguete City sa Negros Oriental.
Doon na siya namuhay kasama ang kanyang isang anak na lalaki na si Ronnie Telanas.
Kumontak Brigada News FM Dumaguete sa Briagda News FM Bacolod upang mahanap ang pamilya ni tatay Romeo.
Agad namang pumunta ang Brigada news team sa bayang ng Pontevedra para mahanap ang kaanak ng matandan.
Nahanap ng ating team si Antonio Telanas, isang Barangay Tanod Commander sa nasabing lugar at ipinahayag nito na matagal na niyang hindi nakikita ang kaniyang tiyuhin.
Hinatid ng Brigadang si Antonio sa Dumaguete City, sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at pagkakaisa ng Brigada Dumaguete at Brigada Bacolod.