Pag-asa, Olongapo naghahanap ng mga volunteers para makatulong sa pagtatanim ng mga mangrove

Naghahanap ng mga residente ang Bgy. Pag-Asa, Olongapo para maging environmental volunteers.

Ito ay para makatulong sa pagtatanim ng mga mangrove sa ilang parte ng ilog sa lugar.

Matatandaan na mahigit labing isang libong mga mangroves ang kinakailangan maitanim ng barangay sa loob ng dalawang linggo pero sa ngayon ay mahigit sa tatlong libo palang ang naitatanim.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Dahil dito ay humihingi ng tulong ang barangay sa mamamayan para maitanim ang mga mangrove sa loob ng dalawang linggo.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa mga interesado ay maaaring direktang makipag-ugnayan na sa Bgy. Pag-asa para sa gagawin.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Kap. Catologan

May be a cartoon of 1 person and text that says 'Weak Immune System IMMUNITY ASCORBIC ACID Calcium Ascorbate) GUARD-C Strong Immune System SHOP NOW! Lazada'