6.8 Million pesos na halaga ng shabu, nasamsam sa tatlong drug suspect sa Lanao del Sur

ARESTADO ang tatlo katao matapos na kumagat sa ikinasang buybust operation ng mga operatiba ng PDEA-BARMM sa Marawi City Lanao del Sur kahapon.


Kinilala ng PDEA ang mga dinakip na sina Allandoni Alaweya Mendalano, Sanny Sangkad Kaadeadatu at ang kanilang kasabwat na babae na si Isnaima Arimao Sapia.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Nasamsam sa mga suspek ang abot sa 6.8 million pesos na halaga ng suspected shabu at agad na dinala sa opisina ng PDEA-BARMM sa Cotabato City.

Samantala, naisampa na rin ngayon araw ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek na nakapiit na selda ng PDEA dito sa lungsod ng Cotabato.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Nagpaalala muli ang PDEA-BARMM na patuloy ang gagawin nilang paghunting sa mga taong sangkot pa rin sa kalakaran ng illegal na droga sa rehiyon.