Ipinasara na ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang isang warehouse sa lungsod na may watawat ng china.
Epektibo ang closure order simula kahapon, June 6 batay na rin sa rekomendasyon ng kanilang business and licensing office.
Natuklasan sa imbestigasyon na walang Mayor’s at business permit ang naturang warehouse.
Nadiskubre rin sa imbestigasyon na may mga dayuhang empleyado.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon kung ang mga empleyadong ito ay may working visa.