BINI, patuloy na umaani ng milyon-milyong followers

Tuloy-tuloy nga ang pag-arangkada ng P-pop girl group na BINI.

Matapos magkaroon ng 6 million monthly listeners sa Spotify, inanunsyo ng grupo na nakaabot na rin sila sa 1 milyong followers sa Facebook, at 1 milyong subscribers naman sa YouTube.

Read More:  Pinoy content creators recognized at Inaugural TikTok Awards

Bukod pa ito sa 1 milyong followers nila sa Instagram.

Mababatid na pinaghahandaan ngayon ng BINI ang three-day concert nila na “BINIverse.”

Read More:  Julie Vega’s brother debunks supernatural stories surrounding actress’s death

Gaganapin ito sa New Frontier Theater sa June 28 hanggang 30, 2024.

Bago ito, gaganapin muna ang “National BINI Day” sa June 11.