Senador, ipinanawagan ang pagbuo ng Center for Disease Control sa gitna ng kaso ng COVID-19 FLiRT sa bansa

Naniniwala si Senador Win Gatchalian na napapanahon ng bumuo ng Center for Disease Control (CDC) sa bansa.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na mayroon na silang na-detect na FLiRT COVID-19 variant sa Pilipinas bagamat binigyang-diin din nila na nanatiling mabagal at mababa ang panganib na dala nito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ani Gatchalian, marapat lang na maging handa na ang Pilipinas sa panahon ng mga krisis pang-kalusugan bilang aral sa naging panahon ng pandemya.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Maalala, layunin ng CDC na bantayan ang anumang sakit na nagsisilabasan at bumuo ng stratehiya maging polisiya upang maiwasan at makontrol ang mga ito.