Nasa 1.5 meter long na Philippine Cobra, nahuli sa isang bahay sa Naga City

NAGA CITY – Nahuli ang nasa 1.5 meter long na Philippine Cobra o Naja Philippinensis sa likod ng isang bahay sa Barangay San Felipe, Naga City ng mga personahe ng City Environment and Natural Resources.

Kung saan ligtas na narespundehan ang ahas at wala rin namang nasaktan kahit ang mismong may ari ng bahay. Dinala na rin ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) – PENRO Camarines Sur, at i-rereleas sa bayan ng Sipocot.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Kwento ni Garry Belleza sa opisina, may-ari ng bahay, posibleng ito na ang ahas na nakita nila noon at posible ring may isa pa lalo na’t may mga itlog ding nakita. Sa panayam kay Alex San Jose, Chief Watershed Division ng CENRO, base sa inspeksyon na ginawa sa lugar, napag-alaman na maraming source of food gaya ng palaka, daga, at may tubig na posibleng matagal nang naninirahan, lalo na ngayong tag-ulan mas inaasahan pa ang pagsisilabasan ng mga ahas sa lungsod.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Paalala ng opisyal kung makakakita muli ng mga ahas lalo na ang Philippine Cobra na venomous at isang teretorial snake, huwag sasaktan at i-report lamang sa opisina na aktibo nang nagsasagawa ng panghuhuli ng mga ahas ngayon.