Mahigit limang daang estudyante sa MDS, tumanggap ng educational assistance

Tumanggap ng tig limang libong piso ang abot sa 557 na mga mahihirap na graduating student sa probinsya ng Maguindanao del Sur.

Ito ay sa inisyatiba ni Maguindanao del Sur Congressman Datu Mohamad Tong Paglas.

Read More:  Cebu sinkhole under close watch as Bogo City officials restrict access

Isinagawa ang pamamahagi sa municipal gym ng bayan ng Datu Paglas kahapon ng umaga katuwang ang DSWD-12.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Sinabi ni Congressman Paglas na ang nasabing mga estudyante ay kasalukuyang nag-aaral sa MSU Maguindanao campus, SKUC Tacurong City, USM Kabacan, at CFCST Arakan.