Bagong tatlong araw na tigil-pasada ng MANIBELA – kasado na sa susunod na linggo

Kinumpirma ng grupong MANIBELA na magkakasa sila ng panibagong round ng tigil-pasada sa susunod na linggo.

Ayon kay MANIBELA president Mar Valbuena – isasagawa nila ito mula June 10, Lunes ng susunod na linggo; hanggang June 12, Independence Day.

Read More:  Marcos’ satisfaction rating falls to -11 in SWS survey

Aniya, ito ay bilang protesta nila sa panghuhuli sa mga unconsolidated jeepneys.

Sabi ni Valbuena, mayroon daw kasing naipangako sa kanilang wala munang hulihan at mabibigyan pa sila ng pagkakataon para makapagparehistro.

Read More:  DILG Sec. Remulla pays Vice Mayor Respicio’s ₱28K drug test

Maaalalang inumpisahan na kasi ang panghuhuli sa mga units ng PUVs na ‘di nagpa-consolidate matapos mapaso ang deadline noong April 30.