Makakapagsabi kung peke o hindi ang produkto ay manufacturer lamang ayon sa DTI

Ipinaliwanag ng Department of Trade and Industry na ang mga manufacturer lamang ang makakapagpatunay kung peke o original ang isang produkto.

Ito ay dahil pagdating sa Intellectual Property Rights umano sa infringement ng trademark ng isang produkto ay ang manufacturer lamang ang makakapag-identify.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon kay DTI Provincial Director Enrique Tacbad, ganunpaman, ang mga mamimili kapag may duda sa isang produkto ay maaaring makipag-ugnayan sa manufacturer nito o kaya naman sa Intellectual Property Office ng DTI para maireport.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Matatandaan na kahapon ay nasa mahigit 1.1 milyon pesos na halaga ng pekeng sigarilyo ang nasabat sa Botolan ng mga otoridad kung saan ang representante mismo umano ng tobacco company ay nagpatunay na peke ang mga nasabat.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text