DSWD, magpapadala ng tulong sa mga apektado ng Bulkang Kanlaon

Magpapadala ng karagdagang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhang residente sa Negros Island bunsod ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Sa ngayon, aktibong naghahanda na ang Disaster Response Management and Warehouse team sa Negros Oriental at Visayas Disaster Resource Center sa Mandaue City upang ipadala ang mga family food packs sa Canlaon City.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Activated na =ang Quick Response Team sa nasabing lugar upang i-monitor at makapagbigay ng mga kinakialangan datos sa Field Office.

Read More:  Loren Legarda extends medical leave as Senate confirms absence

Naka-online na rin at handang kumilos ang DSWD Mobile Command Center (MCC) truck, na may makabagong satellite internet, malalaking powerbank at dalawang set ng generators na maaaring gamitin bilang pagkukunan ng power supply at internet connection para sa mga komunidad.