Panibagong taas-singil muli sa kuryente, posible ngayong buwan ng Hunyo

Abiso sa mga consumer! Inanunsyo ng Manila Electroc Company na posibleng magkaroon ng panibagong taas-singil sa kruyente ngayong buwan.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, aabot ng mahigit P0.10/kwh ang mararanasang pagtaas sa singil sa kuryente.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ito ay bunsod na rin ng mangyayaring ancillary services na inaasahan ngayong Hunyo,

Bukod dito ay magkakaroon din ng feed-in tariff na aabot naman ng P0.05/kwh na I cha-charge din sa mga customers.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, inaasahan din na makakaapekto sa pagtaas ng presyo sa spot market ang makailang beses na pagsasailalim sa red at yellow alert sa Luzon at Visayas grid noong buwan ng Mayo.