CAMARINES NORTE – Inalis sa listahan ang nasa 3, 343 botante sa Paracale, Camarines Norte sa pinakahuling Election Registration Board Hearing (ERB) noong Abril.
Sa datos ng Commission on Elections nasa 3, 146 ang deactivated o yaung dalawang regular election na hindi nakaboto, 170 ang inalis sa listahan dahil sa pagkamatay, 12 ang mga nag- transfer sa ibang lugar at 15 iba pa.
Sa ngayon ay nasa 36, 260 ang total registered voters sa naturang bayan habang nagpapatuloy ang voter registration.
Noong June 19, 2023 ERB hearing nasa 38, 374 ang registered voters sa naturang bayan.
Mayroong namang 282 new registration, 148 na nag transfer mula sa ibang lugar, 50 transfer within municipality, 40 reactivation with correction, 8 transfer with correction, 6 na transfer with reactivation, at iba pang approved applications.
Isa ang naturang bayan sa top 5- vote riech municipalities sa Camarines Norte.
