Pagbibigay ng P10K teaching allowance sa mga guro, batas na

Ganap nang batas ang ‘Kabalikat sa Pagtuturo Act’ matapos itong lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong hapon.

Sinaksihan ng mga senador at kongresista ang paglagda sa naturang batas.

Sa ilalim ng Kabalikat sa Pagtuturo Act, makatatanggap ng 5 thousand pesos na teaching allowance ang lahat ng public school teacher ngayong school year 2024-2025.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Habang magiging sampung libong piso ito pagsapit ng school year 2025-2026 at sa mga susunod pang school year

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Layon nitong masuportahan ang gastos ng mga guro sa mga teaching supplies na kadalasang kinukuha nila sa sarili nilang bulsa.

Magiging epektibo ang batas, 15 araw pagkatapos nitong mailathala sa official gazette o sa pahayagan na may general publication.