5 sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan

Sugatan ang limang indibidwal nang mahulog ang sinasakyan sa bangin sa Sultan Kudarat.

Ayon sa impormasyon, binabaybay ng mga biktima ang Cotabato-Lanao-Davao road sakay ng puting sasakyan nang biglang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Gumulong-gulong ang sasakyan hanggang sa nahulog sa bangin.

Dahil sa insidente, nagtamo ng injuries ang mga biktima.

Read More:  Baby boy found abandoned outside home in Cordova, Cebu

Sumaklolo naman ang mga residente at isinugod sa ospital.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling ang mga biktima.