Mahigit P8M halaga ng ipinagbabawal na gamot nakumpiska ng PNP Bicol sa buong buwan ng Mayo

BNFM Bicol—AABOT sa 8,142,764.73.  ang kabuoang halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska ng Philippine National Police o PNP Bicol sa loob ng isang buwang operasyon nitong Mayo.

Kasama rito ang pagkakaaresto ng 122 indibidwal na kung saan sangkot sa pagagamit ng ilegal na droga mula sa iba’t ibang mga lalawigan sa Bicol.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sa datos na kanilang inilabas, ang mga naaresto ay binubuo ng 12 na High-Value Individuals (HVI) at 31 na Street-Level Individuals (SLI)  76 dito ay kabilang sa mga bagong listahan ng SLI habang 2 naman ang sa HVI.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dahil dito patuloy ang panawagan ng PNP Bicol sa publiko kasabay ng pagsasagawa ng kani-kanilang mga programa kagaya ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) saan man panig ng rehiyon para sa katahimikan at kaayusan. ### KENNETH BERMIL