San Simon mayor Jun Punzalan, suspendido ng anim na buwan

Naisilbi na ng Department of Interior and Local Government o DILG ang 6 months suspension ni San Simon Mayor Abundio Punsalan Jr.

Kaya naman kahapon pormal nang umupo bilang Mayor si Vice Mayor Leonor Wong.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Ayon kay Wong, ipagpapatuloy nya ang kaniyang mga programa noong mga panahong sya pa ang alkalde ng bayan.

Partikular umano rito ang health programs kagaya ng operation tuli at libreng papsmear sa mga residente.

Read More:  19 passengers rescued after motorboat sinks off Cebu

Mababatid na nasuspinde ang alkalde ng bayan dahil sa umano’y illegal na pagbili nito ng lupa malapit sa munisipyo.

Maaalalang hindi rin ito ang unang pagkakataon na nasuspendi si Punzalan sa kanyang pwesto.